HarleyQueen

Equality for All

Derek Ramsay, Handa ng Umibig Muli September 10, 2012

Filed under: Uncategorized — taatamata @ 8:11 am
Tags:
Derek Ramsay and HarleyQueen

Derek Ramsay and HarleyQueen

Pitong buwan narin ang lumipas nang magulantang tayo sa balitang winakasan na ni Derek Ramsay at Angelica Panganiban ang kanilang halos pitong taong relasyon.

Kahapon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na kamustahin ang lagay ng puso ni Derek. Wagas na ngiti ang kanyang itinugon sabay sabi na ayos lang siya at masaya naman sa kasalukuyang takbo ng kanyang buhay.

Bagamat nagdadalamhati ang kanyang pamilya sa pagpanaw ng kaniyang pinsan na tumayong kanang kamay ng kanyang ina sa pagpapatakbo ng kanilang family business.

Kabi-kabila parin ang mga projects ni Derek bukod sa pelikulang tinatapos niya na kung saan ay makakasama niya sina Anne Curtis at Andi Eigenmann.

Nang tanungin namin siya kung ano ang masasabi niya sa paglantad nila Angelica at John Lloyd sa kanilang relasyon ay isang payak na tugon ang kanyang pinakawalan, “I am happy for them”.

Mas maiinit pang katanungan ang sunod naming inihain sa kanya. Ipinaalam namin sa kanya na may lumabas na usap-usapan na niregaluhan daw ni John Lloyd si Angelica ng isang sasakyan na worth 5 Million. Mas pinili ni Derek na wag magbigay ng komento sa isyung ito dahil nais niyang panatiliin ang pagkakaibigan nila ni Angel.

Hindi na napigilan ni Derek ang mag-react sa isyung nais na raw ni Angelica na ibenta ang bahay na naipundar nilang dalawa na kasalukuyang tinitirahan ni Derek.

“Lalaki ako, hindi naman siguro ako magpupumilit na mag-stay sa bahay na yun kung kay Angel yun at kung gusto na niyang itong ibenta. Ang kapal naman ng mukha ko kong sasabihin ko na di ako aalis dito. I can afford naman to buy my own house.”

Ayaw na talagang patulan ni Derek ang mga naglalabasang isyu dahil ayaw na niyang palakihin pa ang mga ito at masaktan si Angel sa huli.

“It’s been seven months. Parehas na kaming naka pag-move on. May kanya kanya na kaming buhay. Masaya na ako sa buhay ko at alam ko na ganun din siya.”

Sa huli ay tinanung namin siya kung bukas na ba ang puso niya para umibig muli. Isang ngiti lamang ang kanyang naging tugon sabay sabi ng “Maybe.”

by Harold C. de Mesa